Pabatid Tanaw

Thursday, October 15, 2015

Mga Tanglaw sa Buhay



Wala nang hihigit pa at siyang pinakadakila; ang mahalin ang Diyos at sundin ang utos nito.
May nagtanong na ba sa iyo tungkol sa iyong mga Tanglaw sa Buhay? Mga katanungan na nagpapakilala ng iyong wastong pananalig at naiintindihan sa takbo ng iyong buhay? Bilang Kristiyano, matibay ba ang iyong paniniwala na kailangang sundin ang mga ito upang nasa matuwid at walang pag-aalinlangan anuman ang iyong maging kapasiyahan sa bawat araw? Kung hindi pa at may agam-agam ka, narito ang ilang "mahahalagang sistema" na nakasulat sa Bibliya. Naglalaman ito ng walang hanggang kawatasan (wisdom) na makakatulong na iprioridad mo ang iyong mga kahalagahan (values) o pamantayan kapag nahaharap ka sa mga balakid at kinakailangang mga kapasiyahan sa araw-araw na pakikibaka sa buhay.
   Anuman ang makasariling paniniwala o kabatiran mo sa pagtawag; Bathala, Diyos, Kristo, Allah, Akbar, Buddha, Dakilang Ama, Panginoon, Nirvana, Consciousness, Konsensiya o Pagkagising, atbp., hayaang ang mga Katagang narito ay tanglawan at gabayan ka na tulad ng isang lamparang patuloy na nagniningas sa iyong tinatahak na landas.

Ang 14 na Tanglaw sa Buhay
At sinabi niya sa kanyang mga disipulo, "Kaya nga sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin, o maging tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong isusuot. Dahil ang buhay ay higit pa kaysa pagkain, at ang katawan ay higit pa kaysa pananamit  Pansinin ang mga uwak, hindi sila nagtatanim o maging umaani, wala din silang mga imbakan o ni kamalig man, subalit sila ay pinapakain ng Diyos. Gaano pang kayo na ibayong higit na mahalaga kaysa mga ibon! At sino sa inyo na nababalisa ay makapagdaragdag ng isang oras sa haba ng kanyang buhay? Kung ang ganitong kaliit na bagay ay hindi ninyo makayang gawin, bakit nababalisa kayo tungkol sa kalahatan? " Lukas 12:12-34

Kundi ang tuklasin muna ang Kaharian ng Diyos at ang Kanyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay kusang idaragdag sa iyo.   Mateo 6:33

Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso.   Lukas 12:34

Sapagkat kung ang sinuman ay walang nalalaman kung papaano mamahala sa kanyang sariling sambahayan, papaano niya mapapangalagaan ang simbahan ng Diyos?  1 Kay Timoteo 3:5

Ano ba ang mapapakinabangan ng tao para makamtan ang buong mundo at mapahamak ang kanyang kaluluwa? Ano ba ang makakayang maibigay ng tao kapalit ng kanyang kaluluwa?   Marcos 8:36-37

Ngayon sa pagpapatuloy ng kanilang lakad, pumasok si Hesus sa isang nayon. Isang babae na may pangalang Marta ang tumanggap kay Hesus sa kanyang bahay. At siya'y may isang kapatid na tinatawag na Maria na naupo sa may paanan ng Panginoon at nakinig sa kanyang itinuturo. Ngunit si Marta ay nalibang sa patuloy na paglilingkod. At siya ay lumapit sa Kanya at sinabi, "Panginoon, walang anuman ba sa inyo na hinayaan ako ng aking kapatid na maglingkod na mag-isa? Sabihin mo nga sa kanya na tulungan ako." Subalit tinugon siya ng Panginoon, "Marta, Marta, nababagabag ka at nag-aalala tungkol sa maraming bagay, maliban sa isang bagay na kailangan. Pinili ni Maria ang mabuting bahagi na hindi makukuha sa kanya.   Lukas 10:38-42

Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap ko.   Exodo 20:3

At sinabi Niya sa kanya, "Mamahalin mo ang Panginoon na iyong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo at nang buong isipan mo. Ito ang dakila at unang utos.   Mateo 22;37-38

Ihanda mo sa labas ang iyong gawa, kunin at ihanda ang bawat bagay para sa iyong sarili sa parang, at matapos ito ay itayo ang iyong bahay.  Mga Kawikaan 24:27

Walang sinuman ang magagawang maglingkod sa dalawang panginoon, sa dahilang kapopootan niya ang isa at mamahalin ang ikalawa, o magiging tapat siya sa isa, at aalipustain ang ikalawa. Hindi mo magagawang maglingkod sa Diyos at sa salapi.   Mateo 6:24

Kaya nga turuan mo kami na bilangin ang aming mga araw upang makamit namin ang puso ng kawatasan.  Mga Awit 90:12

Sinuman na isinasakatuparan ang kawastuan at kabaitan ay makakasumpong ng buhay, katuwiran, at karangalan.   Mga Kawikaan 21:21

Malugod sa sarili at gayundin sa Panginoon; at ipagkakaloob niya sa iyo ang lahat ng mga naisin ng iyong puso.   Mga Awit 37:4

At ngayon ay nananatili ang tatlong ito; ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa tatlong ito ay ang pag-ibig.   1 Mga Taga-C0rinto 13:13

No comments:

Post a Comment