Pabatid Tanaw

Friday, September 18, 2015

Alingangas ng Panahon

Kung ano ang iyong kinahuhumalingan, ito ang nagpapaligaya sa iyo.
Kung pipili din lamang, at ito ay kapangyarihan nating taglay, piliin na yaong tama at hindi ka ipapahamak nito.
   Pansinin ito: ang mga alingasngas ay inihahatid ng mga inis-talo, magagalitin at bugnuting mga tao; ikinakalat (atat na atat) ng mga tsismiso at mga tsismosa, at makulay na tinatanggap naman ng mga miserable ang pamumuhay na nawiwiling panoorin at kinahumalingan na ang mga katulad ng itbulaga sa TV. Ito ang mahihilig sa basketbol, drama, pulitika at... artista.Ito rin ang mga bagay kung bakit makupad at ayaw umangat ang kabuhayan ng mga nakakarami sa ating mga kababayan.
   Patunay: Masdan (huwag panoorin) ang mga balita (TV Patrol, 24 Oras, atbp.), 90 porsiyento nito ay tsismis at mga artista. Maganda bang ibalita na si Kris ang pangunahing maldita sa TV at pati sa tunay na buhay ay "may kulane sa singit?" na si Ai-ai ay hiniwalayan ng asawa dahil mabaho ang hininga? Mag-isip naman tayo, magreplek, at magbago naman. Mahirap ka na, pinipilit ka pang lalong paghirapin ng mga panooring at mga balita na walang mga katuturan.
   May nagwika noon, at sa pagsasalin ko ay ito; Sabihin mo nga sa akin kung ano ang kinagigiliwan mong panoorin, at walang patumangga kong papatunayan sa iyo kung anong uri ng pamumuhay mo sa ngayon, kung masagana o laging kinakapos."
   BBBakittt?a-a-alam mmo?
  Kasi po, may panahon ka sa itbulaga at wowowie, kahit na patuloy kang mahirap sa buhay.
   Bakit, may mga mayaman ding nanonood, ah.
  Dahil may nagpapakain at nasgsusustento sa kanila. At wala na silang ibang mapanood na may koneksiyon sa kanilang mga paghihirap. "Misery needs company." "Misery loves company!"
   Ah, basta, pampalipas oras ko lang ito, eh.
    
Magastos ang edukasyon, higit pang lalo ang kamangmangan!

No comments:

Post a Comment