Pabatid Tanaw

Wednesday, July 08, 2015

Huwag Sumuko



Karamihan sa mga kabiguan sa buhay ay nangyayari doon sa mga tao na madaling sumuko, hindi nila magawang patunayan kung gaano na sila kalapit sa tagumpay nang sila ay mawalan ng pag-asa at maaga pa ay tumigil na.
   Hindi ang kakulangan ng lakas o kakulangan ng kaalaman ang nagpapatigil para magpatuloy pa ang isang tao, kundi ang kawalan ng pagnanasà, intensiyon, at lunggati sa buhay.
   Kapag natutuhan mong sumuko kaagad, magiging ugali mo na ito. Nasa pagsuko ang kabiguan, at kawalan ng pag-asa ang aliwan nito

Isang mahalagang kaisipan …
  Kung saan mayroong dakilang pagmamahal, narito palagi ang mga milagro. Dahil kung nagmamahal ka at nais mong paligayahin ang mga mahal mo sa buhay, ito ang masidhing intensiyon na magtutulak sa iyo upang patuloy na magpunyagi ka para magtagumpay.

No comments:

Post a Comment