Pabatid Tanaw

Sunday, November 23, 2014

Magbigay Muna



Ito ang katunayan: Walang magmamahal sa iyo kung wala kang pagmamahal sa iyong sarili. Hanggat hindi ka marunong magmahal, hindi mo magagawang magmahal. Sapagkat hindi mo magagawang ibigay ang bagay na wala sa iyo. Kung nais mong may makuha, magbigay ka muna.
  
Pilitin na makalikha ng isang kapaligiran sa iyong buhay na kung saan ay nagagawang masagana at maunlad ang iyong personal na kalagayan. Pahalagahan mo ang iyong sarili na iwasan at takasan ang mga tao, mga kaisipan, at mga sitwasyon na lumalason at nagpapahamak sa iyong katauhan at kapakanan. Linangin ang isang matiwasay na kapaligiran at italaga sa iyong sarili na piliin lamang ang mga bagay na nakakatulong, nagpapaunlad, at nagpapakilala sa tunay mong pagkatao. Pakawalan ang pinakadakilang ekspresyon ng iyong pambihirang katauhan at hangarin.
   Kung nais mong pagkatiwalaan ka, maging matapat.
   Kung nais mong maging matapat, maging totoo ka.
   Kung nais mong maging totoo, patunayan mo kung sino kang talaga.
   ...at magagawa mo lamang ito kung wagas ang pagmamahal na inuukol mo sa iyong sarili.

No comments:

Post a Comment