Pabatid Tanaw

Sunday, November 23, 2014

Huwag Susuko



Ang mabuting mga bagay ay dumarating doon sa mga naniniwala, ang higit na mabubuting mga bagay ay dumarating doon sa mga naghihintay, subalit ang nakakakuha at tumatanggap ng pinaka-mabubuting mga bagay ay yaong hindi humihinto at kailanma'y hindi sumusuko. 

Katulad ng pagmamahal, hindi ka basta naniniwala, bagkus ito ay iyong
ginagawa. Hindi ka basta naghihintay sa pagkilos ng iba na mahalin ka, ikaw mismo ang nagsisimulang magmahal. At ang wagas at pinakadakila sa lahat, patuloy kang nagmamahal nang walang pagsuko, walang iwanan, handang ipaglaban anuman ang mangyari magpakailanman.
   Palaging umayon at lasapin ang mga sandaling ito. Hindi ba walang katuturan at isang kabaliwan ang lisanin ang kaganapang ito at pahirapan ang sarili sa nakaraan at paasahin pa ito sa hinaharap? Hindi ba isang pagsuko ang mawalan ng pag-asa at mabuhay na tila naghihingalo at namamatay sa bawat sandali?  Huwag labanan at iwasan ang katotohanan. Kailanman ay huwag sumuko. Magpatuloy at tanggapin ang buhay na kumikilos para sa iyong kapakanan para salubungin din ito nang ibayong mga pagkilos pa, kaysa palaging umasa, nakatingin sa iba, at mag-akala na may milagrong magaganap sa paghihintay.

No comments:

Post a Comment