Pabatid Tanaw

Sunday, November 23, 2014

Huwag Mainis



Kapag nanggagalaiti, naiinis, nanggigigil, o nagagalit ka, patunay lamang ito na nakatali ka at alipin ng tao, kundisyon o sitwasyon na iyong kinamumuhian. Isa itong emosyonal na pagkagapos at matibay pa kaysa bakal. Walang sinuman o anumang bagay na makakagawa nito sa iyo kung wala kang pahintulot. Nagsisimula ang lahat sa iyong isipan. Sa iyong pag-aakala, ang mga tao o mga bagay ay pinakikialaman ka. Sa katunayan, ang iyong isipan ang siyang nakikialam.

Upang malabanan at masupil ang pagkainis na ito, kailangang manatili kang gising sa iyong intensiyon at nakatuon sa kakahinatnan nito. At hindi laging naghihintay at inaala-ala ang mga sagabal at mga problema nito.
    Lahat ay kailangan munang dumaan sa iyong pagpili, at anumang kapasiyahan ang iyong gagawin ay tanging ikaw lamang ang may kagustuhan. Anuman ang maging kahinatnan nito ay wala kang dapat sisihin o pagbintangan kundi ang sarili mo lamang.
   Kung nais mong makawala sa bilangguang ito na ikaw ang may likha, ang mabilis na paraan lamang ay ang magpatawad para ka makatakas at tuluyan nang makalaya sa mga bumabagabag sa iyong isipan.

No comments:

Post a Comment