Pabatid Tanaw

Tuesday, January 28, 2014

Sundin ang Iyong Kalooban



Nakapaloob dito ang ipailalim ang pakiramdam, ang panandaliang damdamin, o kaganapan sa isang prinsipyo o patnubay na iyong pinahahalagahan. Kailangang mulat at piliin na ipamuhay ang iyong sariling buhay. Hindi mula sa sulsol at mga dikta ng iba kung papaano mo ito gagampanan ayon sa kanilang mga kagustuhan.
   Kailangang gampanan mo ng mahusay ang iyong buhay na ikaw mismo ang arkitekto, maestro, at programmer ng iyong sarili, at hindi bilang plano, format, o programa na kailangan mong gampanan. May kapangyarihan ka na supilin at pangalagaan ang anumang bagay na binubuo ng iyong isipan. Magagawa mong piliin ang mga bagay na bumubuhay, nagpapasigla, at nakapagpapaunlad para sa iyong kapakanan. Kahit na anumang taguri o inilapat na katawagan ng lipunan sa iyong pagkatao, na patuloy na binibigyan mo ng buhay. Kahit na kung papaano ka nila tinatrato, gaano mang mga kalapastangan, mga kapahamakan, at mga kapighatian na bumubulag sa marubdob mong mga hangarin, ay nakikita mo ang espasyong ito sa pagitan ng lahat ng ito at ng iyong kalayaan at kapangyarihan na tumbasan, sukatin o suklian ang mga ito.

No comments:

Post a Comment