Pabatid Tanaw

Friday, December 27, 2013

Tagumpay Ka Ba?


Ang susi sa tagumpay ay madapa ng pitong ulit, at makabangon ng walong ulit.

Mga Katauhan Kailangan ng Tagumpay 
Totoo sa kanyang sarili. Walang halong pagkukunwari o balatkayo sinuman ang kaharap.  
       Tinutupad ang mga pangako at may isang salita.
Aktibo at mapaglingkod sa mga adhikaing makabuluhan at nakakatulong sa sambayanan.
       Alam ang intensiyon sa pagpili at tamang kapasiyahan upang isagawa ito..
Gumagawa at hindi pabaya sa tungkulin. Laging handang dumamay sa lahat ng sandali.
      Ginagabayan at tinutulungan ang sinuman lalo na sa panahon ng pangangailangan.
Umuunawa muna bago maunawaan. Alam ang pangangailangan ng sarili at maging ng iba.
       Umaasa nang lubos sa pagkakaisa at kooperasyon ng bawa’t isa upang magtagumpay.
Mapagmalasakit sa kapakanan ng sarili at sambayanan. Lingkod ng Bayan ang turing sa sarili.
       Maunawain at mabuting makitungo kaninuman, saanman, at kailanman.
Patnubay sa Maykapal ang panuntunan sa lahat ng karelasyon at ng mga gawain.
       Patuloy na nagsisikhay na mapabuti ang sarili at matupad ang mga pangarap.
Alam kung sino siya, ano ang mga naisin, at kung saan direksiyon patungo.
       Alam ang mga katangian, kakayahan, at angking potensiyal anumang tungkulin ang nakaatang.
Yaman ng isipan, pangangalaga sa kalusugan, pananalig at pagtitiwala sa sarili ang kabatiran.
      Yaon lamang may mga paninindigan na tulad ng mga ito ang nakatakdang magtagumpay.

No comments:

Post a Comment