Pabatid Tanaw

Tuesday, May 21, 2013

Kilatisin ang Ating Sarili



Hindi lahat ng ating mga ginagawa ay laging tama at sadyang intensiyon natin. Sa dahilang madalas tayong makatulog nang gising. Lalo na kapag tayo ay nawiwili sa mga nakakasiya, mga papuri, at mga palakpak. Paminsan-minsan, mag-ukol naman tayo ng panahon na humarap sa salamin at pagmasdan nang maigi, and taong nakaharap at tanungin ito ng, " Sino ka? Ano ang ginawa mo sa katawang ipinagkaloob sa iyo? Saan talaga ang direksiyon ikaw patungo? Tinutupad mo ba ang iyong mga pangarap? Ang iyong mga responsibilidad; sa iyong sarili, at maging sa iyong mga mahal sa buhay? Alam mo ba, kung nasaan ka ngayon?
   Tayo lamang na mga tao, ang may kakayahang ihiwalay ang ating mga sarili at pagmasdan ang 'tao' na kumakatawan sa atin. Binabasa mo ito, subalit magagawa---kung nanaisin mo na humiwalay sa iyong sarili, at pagmasdan ang 'tao' na nagbabasa ngayon at isipin kung bakit siya nagbabasa.


Kung tayo ay gising, nasa ating pangmasid at paglilimi ang lahat ng kasagutan na ating hinahanap. Mula sa kalaliman ng ating mga puso masusumpungan ang kaligayahan na malaon nating minimithi. Halukayin natin ito at palayain. Huwag tayong mawili sa mga panandaliang kaaliwan, sa mga walang katuturang bagay na ninanakaw ang ating mahalagang panahon. Unahin ang mga priyoridad. Iwasan ang mga suliranin, mga kalituhan, at mga bagabag. Ang panahong nagdaan ay hindi na muling magbabalik pa. Ang mga pagkakataon na pinalampas ay hindi na muling ipagkakaloob pa sa iyo. Bawa't araw ay may kanya-kanyang pangako, may matiwasay at may masalimoot. Nasa iyong pagpili ang maghahatid ng iyong kapalaran. Ang iyong pamilya ay patuloy na nakikibaka sa buhay. Sila man ay nais kang makapiling, magsaya, at maipadama ang kanilang pagmamahal. Pansinin sila ...









No comments:

Post a Comment