Pabatid Tanaw

Friday, July 06, 2012

Naniniwala pa rin AKO


Ang mabuting ulo at mabuting puso ay makapangyarihang kumbinasyon.

 Naniniwala AKO
Ang pinakadakilang prinsipyo ng pamamahala sa mundo ay, “ang mga bagay na ginagantimpalaan at pinahahalagahan ay yaong mga nagawa, hindi ang mga binabalak."

Naniniwala AKO
Kung nais mong malaman kung bakit ang iyong mga tauhan ay hindi makagawa nang mahusay, mangyari lamang na humarap ka sa salamin at pakatitigan ang iyong sarili. Sapagkat ang iyong pamumuno ang sanhi nito.

Naniniwala AKO
Ang patuloy na kabaitan ay marami ang napagtatagumpayan. Tulad ng araw na tinutunaw ang yelo, ang kabaitan ay nagagawa ang hindi pagkakaunawaan, kawalan ng pagtitiwala, paghihinala, at mga hidwaan na malusaw.

Naniniwala AKO
Ang pagiging uliran ay pangunahin at kritikal na panuntunan sa paglikha ng mga tamang kapasiyahan. Kung may pag-aalinlangan, mistula itong maliwanag na tanglaw sa madilim na daraanan.

Naniniwala AKO
Ang mga matatagumpay na tao ay yaong magagaling sa planong B.

Naniniwala AKO
Na ang walang sandatang katotohanan at walang kundisyon na pagmamahal ay siyang mapapatunayan sa dakong huli.

Naniniwala AKO
Makakakuha ng simpatiya at pagtulong mula sa iba hindi sa pagsiga ng apoy sa ilalim nila, bagkus sa paglikha ng lagablab sa kanilang mga puso na makiisa sa iyong layunin.

Naniniwala AKO
Kahit na ang pamumuno ay mahirap na ipaliwanag, ang isang katangian na karaniwan sa mga magagaling na pinuno ay ang abilidad na gawin ang mga bagay na mangyari.

Naniniwala AKO
Ang karakter ng isang tao ay hindi mapagyayaman sa pagiging tahimik at panatag sa kabila ng mga kaganapan sa kanyang kapaligiran. Sa pamamagitan lamang ng mga karanasan sa mga pagsubok at mga kapighatian; ang kaluluwa ay pinatitibay, ang pananaw ay pinalilinaw, ang ambisyon ay may inspirasyon, at ang tagumpay ay nakakamtan.

Naniniwala AKO
Ang kalidad kailanman ay hindi isang aksidente. Ito ay laging resulta nang matayog na hangarin, matapat na pagsisikhay, matalinong direksiyon at mahusay na pagsasagawa. Kinakatawan nito ang magaling na pagpili sa maraming mga alternatibo at mga pagkakataon.



Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

No comments:

Post a Comment