Pabatid Tanaw

Saturday, September 10, 2011

1- Ang Pananalig ay . . .


Patawarin mo ang iyong sarili at ang iba.

“Maging mayroon akong kaloob ng propesiya, at nauunawaan ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman, at maging mayroon akong buong pananampalataya, na magagawa kong alisin ang mga bundok, subalit kung wala akong pag-ibig, ako'y walang kabuluhan.
                                                                                                                     1 Mga Taga-Corinto 13:2

Ang pagpapatawad ay mataos na paggawad ng pananampalataya. Hangga’t hindi ako nagpapatawad. Hindi ako umiibig.

   Kapag pinatawad mo ang iyong sarili; ipanapahayag mong naniniwala ka, na nananatili ka pa ring may pagpapahalaga sa iyong sarili.

   Kapag pinatawad mo ang sinuman na nagkasala sa iyo, ipinapahayag mong mayroon pang kabutihan natitira sa kanilang mga puso.

   Ipagpatuloy ang pananampalataya at pag-ibig ngayong araw na ito. Patawarin at mahalin ang iyong sarili, at matapos ito’y paniwalaan na ang pananampalataya ay maiaalis ang mga bundok; patawarin ang sinuman na nagkasala sa iyo.

   Higit sa lahat, narito ang makalulunas sa iyo ng minimithing mong kapayapaan at kalakip nitong kaligayahang nararapat na mapasaiyo sa tuwina.

 Mga Simulain ng Buhay

Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

No comments:

Post a Comment