Pabatid Tanaw

Thursday, March 10, 2011

Magpahalaga Tayo

 
 Sa araw na ito, mahalagang gawin na pansinin ang isang tao, na ang kahalagahan ay hindi ganap na napag-uukulan ng pansin; maglaan ng ilang sandali at ipahayag ang iyong pagpapahalaga. Higit sa lahat at anupamang bagay, ito ang nagbibigay kalakasan sa kanya upang magpatuloy at magkaroon ng pag-asa. Siya man ay mayroon ding kasiya-siyang katangian; ipaalam ito sa kanya. 

Sa mabuting pakikitungo; Narito ang ilang bagay na maaaring gawin:
  • Hanapin ang mabuting katangian at bigyan siya ng papuri. 
  • Hangga't maaari, purihin siya sa magagandang bagay na ginagawa niya.
  • Maglaan ng panahon na pakinggan siya. Mayroon itong maitutulong.
  • Makinig upang makaunawa, hindi ang humanap ng kamalian at humatol.
  • Gumamit ng aktibong pakikinig, hindi ang pangunahan o sansalain ang kanyang mga salita. Hintaying makatapos, bago mo ipahayag ang iyong saloobin.
  • Makipag-ugnay na ginagamit ang "Ako," sa mga pangungusap. Hindi ang mga paligoy-ligoy na paraan o mga palabok. Ipaalam ng tuwiran, ang tungkol sa iniisip at nadarama.
  • Kung sakali at may mga isyu na sumusulpot, iwasan ang sisisihan o pamumuna. Bagkus, unahing lutasin ang inaalaala.
  • Bigyan ang relasyon ng katulad ng pakikitungo mo noong siya ay una mong nakilala.
  • Unahing umunawa muna, kung nais mong maunawaan ka.                                          

No comments:

Post a Comment