Para
sa aking InangBayan;
--sa kanyang walang hintong pagluha. Lubos ang aking pagdaramdam at pagkasuklam sa pagkawala ng maraming biyaya sa kaban ng bayan, sa walang habas na mga pang-aabuso sa ating mga likas na yaman sa lahat ng ating mga kapuluan, at sa walang pakundangang pagsasamantala at pagyurak sa ating mga karapatang pantao. Talamak na at karumal-dumal ang pagmamalabis ng iilan at naghaharing uri sa ating lipunan.
--sa kanyang walang hintong pagluha. Lubos ang aking pagdaramdam at pagkasuklam sa pagkawala ng maraming biyaya sa kaban ng bayan, sa walang habas na mga pang-aabuso sa ating mga likas na yaman sa lahat ng ating mga kapuluan, at sa walang pakundangang pagsasamantala at pagyurak sa ating mga karapatang pantao. Talamak na at karumal-dumal ang pagmamalabis ng iilan at naghaharing uri sa ating lipunan.
Sa pagpasok ng bagong 2015, wala na akong
kakayahan pa na sambitin ang "masaganang bagong taon" kundi ang
panoorin (YouTube), pakinggan at
pausal na sabayan ang awiting "Ang
Bayan Ko." At muling ipahayag nang may patak ng pagluha ang tula ni
Gat Amado V. Hernandez, ang "Kung
tuyo na ang Luha mo, Aking Bayan." Kasabay din nito ang pagbigkas kong
muli ng tula ni Gat Andres Bonifacio, "Pag-ibig
sa Tinubuang Lupa." Ang mga ito; ang tunay na nagpapakilala sa Dugong
Kayumanggi na nanalaytay sa ating mga ugat bilang pinakadakilang pagmamahal sa
ating InangBayan.
Kung Tuyo na ang Luha mo, Aking Bayan
-ni Gat Amado V. Hernandez
Lumuha ka, aking Bayan, buong
lungkot mong iluha
Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa;
Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika.
Ganito ring araw noon nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila.
Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa;
Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika.
Ganito ring araw noon nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila.
Lumuha ka, habang sila ay palalong
nagdiriwang,
Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libangan,
Katulad mo ay si Huli, na aliping bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy kung paslangin; tumatangis kung nakawan!
Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libangan,
Katulad mo ay si Huli, na aliping bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy kung paslangin; tumatangis kung nakawan!
Iluha mo ang sambuntong kasawiang
nagtalakop
Na sa iyo sa pampahirap, sa banyaga’y pampalusog;
Ang lahat mong kalayaa'y kamal-kamal na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor nasa laot!
Na sa iyo sa pampahirap, sa banyaga’y pampalusog;
Ang lahat mong kalayaa'y kamal-kamal na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor nasa laot!
Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw
na ang layon,
Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.
Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.
May araw ding ang luha mo’y
masasaid, matutuyo,
May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo,
Sinigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!
May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo,
Sinigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!
Pag-ibig
sa Tinubuang Lupa
-ni Gat Andres Bonifacio
Aling
pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Ulit-ulitin mang basahin ng isip,
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.
Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal,
satapat na puso ng sino’t alinman,
inbi't taong gubat, maralita’t mangmang,
nagiging dakila at iginagalang.
Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal naingat ,
umawi't tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiis at pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
Bakit ? Ano itong sakdal na ang laki,
na hinahandugan ng buong pagkasi
na sa lalong mahal nakapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y Ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.
Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.
Kalakip din nito’y Pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.
Ang na nga kapanahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?
At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa-alaala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.
Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.
Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang alaala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.
Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.
Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.
Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kalooban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?
Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa kaalipinan?
Kung ang pagkabaon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng panghampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos.
Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.
Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Kastilang hamak.
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
Bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanood.
Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang Bayan.
Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilanta sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.
Kayong mga pusong kusang pugal
ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.
Kayong mga dukhang walang tanging lasap
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay mailit
ito’y kapalaran at tunay na langit.
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Ulit-ulitin mang basahin ng isip,
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.
Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal,
sa
inbi't taong gubat, maralita’t mangmang,
nagiging dakila at iginagalang.
Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na
umawi't tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiis at pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
na hinahandugan ng buong pagkasi
na sa lalong mahal nakapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y Ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.
Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.
Kalakip din nito’y Pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.
Ang na nga kapanahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?
At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa-alaala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.
Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.
Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang alaala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.
Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.
Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.
Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kalooban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?
Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa kaalipinan?
Kung ang pagkabaon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng panghampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos.
Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.
Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Kastilang hamak.
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
Bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanood.
Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang Bayan.
Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilanta sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.
Kayong mga pusong kusang pugal
ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.
Kayong mga dukhang walang tanging lasap
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay mailit
ito’y kapalaran at tunay na langit.
------------------------------------------------------------------
Kung walang kikilos, sino ang kikilos?
Tunay na Dasal at Sugal na lamang ang siyang mga ulos na siyang inaasahan ng
marami nating mga kakabayan.
Umaasa at naghihintay
sa Dasal, na kahit manawari ay
kahabagan ng Langit at mabiyayaan, nang mahinto ang mga karaingan at mga kapighatian.
Umaasa at naghihintay
sa Sugal, na manalo sa huweteng at
Lotto
nang maibsan daw ang mga pagtitiis at
pagkainis, sa kahirapan na laging panis.
Bakit nga ba ganito?
Bayan Ko. Hindi na ba tayo matututo? Ang matiyak ang lubusang TOTOO!