Pabatid Tanaw

Friday, May 31, 2013

Maligaya Ka Ba?


Dalawang bagay lamang ang kailangan para lumigaya; and magmahal at maglingkod.

Masaya Ngunit Hindi Maligaya


Madalas nating nakakalimutan na ang kaligayahan ay hindi nagmumula sa mga nakukuha natin na wala sa atin, bagkus ang pahalagahan at kilalanin ang anuman na nasa atin.

Pagkakaiba ng Kasiyahan at Kaligayahan


Masaya ako noong kaarawan ko, ngunit hindi ako maligaya dahil inutang ko lamang ang handa ko.

Hindi Nabibili ang Kaligayahan




Ang magtrabaho nang higit pa sa makakaya, at hindi napag-ukulan ang sarili, ang madalas na dahilan ng mga kapighatian.

Mga Kaisipan ng Kaligayahan




Mainam pa ang umasa sa mga bagay na tahasang magpapaligaya nang tuluyan, kaysa mga panandaliang aliw na kusang nagwawakas anumang sandali.

Mga Kataga ng Kaligayahan


Ang tagumpay ay hindi siyang susi sa kaligayahan. Ang kaligayahan ang siyang susi sa tagumpay. Hangga’t maligaya ka sa iyong mga ginagawa, patuloy kang magtatagumpay.

Mga Pagkilos ng Kaligayahan




Upang maging maligaya sa isang lalaki, unawain siyang mabuti at bahagyang mahalin. At upang maging maligaya naman sa babae, higit siyang pakamahalin at huwag nang subukan pang unawain.




Mga Ugali ng Kaligayahan




Hangga’t kinikimkim mo ang kaligayahan, lalo kang masisiphayo. Pakawalan mo ito, at ang minimithi mong kaligayahan ay sasapuso mo.


Katangian ng Kaligayahan




Ang mga katangian ng kaligayahan ay ang kapasidad na mag-isip nang malalim, magkaroon ng simpleng kasiyahan, malayang mag-isip, makipagsapalaran sa buhay, at makapaglingkod sa mga nangangailangan.