Pabatid Tanaw
▼
Saturday, October 27, 2012
Friday, October 26, 2012
Thursday, October 25, 2012
Tuesday, October 23, 2012
Saturday, October 20, 2012
Thursday, October 18, 2012
Wednesday, October 17, 2012
Monday, October 15, 2012
Mabuhay nang may Katuturan
Ang sanlibutan ay mayroong tatlong katangian na hindi mapupuksa;
Pagkatao, Pagkamulat, at Pag-ibig. At nasa tao ang gawa para may pagpapala.
Naisin
man natin o hindi, maging nakahanda man tayo o hindi, darating ang nakatakdang
panahon na ang lahat ay matatapos din.
Walang
nakakatiyak kung kailan ito magaganap. Sa isang iglap na hindi inaasahan,
ipipikit natin ang ating mga mata nang lubusan.
Lahat ng iyong nakikita, naririnig, naaamoy, nalalasap, at nararamdaman ay hindi na magbabalik pa. Ang mga ito'y tuluyan nang mawawala.
Lahat ng iyong nakikita, naririnig, naaamoy, nalalasap, at nararamdaman ay hindi na magbabalik pa. Ang mga ito'y tuluyan nang mawawala.
Wala
ng mga bukang-liwayway at ginintuang mga silahis ng araw, walang ng mga pagbilog pa
at maliwanag na tanglaw ng buwan, wala ng mga sandali, ng mga oras o mga araw na madarama at palilipasin.
Lahat
ng mga bagay na nakulekta o naipon mo, maging ito’y mga salapi o mga dekorasyon,
kagamitan o sasakyan, bahay o kasuotan, ay mapupunta sa makakatanggap ng mga
ito. Iiwanan mong lahat ito. Mga pamana itong hindi mo na madadala pa sa iyong
patutunguhan. Kahit na isang totpik ay wala kang madadala.
Ang
iyong kayamanan, katanyagan, at kapangyarihan ay wala nang magagawa pa. Ang
iyong posisyon o katungkulan ay mistulang mga bula na kusang maglalaho. Wala
nang saysay pa kung ano ang mayroon ka o kung mayroon kang pagkakautang na
dapat mabayaran.
Ang
iyong mga pagkasuklam, mga pagkagalit, mga panggigipuspos, mga panghihinayang, mga
pagngingitngit, at mga panibugho ay tuluyan nang mawawaglit. At pati na ang
iyong mga pag-asam, mga pangarap, mga ambisyon, mga plano, at nakaatang na mga
lunggati ay tapos nang lahat. Wala na itong mga saysay pa. Lahat ng mga ito ay
wala ng gaano mang kapirunggit na halaga pa.
Ang
mga tagumpay at mga kabiguan na kumain nang maraming panahon sa iyo at malabis
mong pinagtuunan ng pansin ay wala na ring halaga pa.
Wala
na ring katuturan kung saan ka man nanggaling o kung saang komunidad ka tumira,
gaano kaganda ang iyong bahay o kamodelo ang iyong sasakyan, at kung sino ang
iyong mga naging kaibigan at mga nakasama. Maging ang inpluwensiya o koneksiyon
mo sa lipunan ay pawang mga ipa na lamang at walang kalalagyan.
Hindi
na rin mahalaga kung matalino o mangmang ka, maganda o pangit ka, matangkad o
pandak ka, at maputi o maitim ka. Wala na itong mga saysay pa.
Dahil sa iyong paglisan ... ang lahat ng mga ito ay kasama mong lilisan. Lahat ay magdidilim at mauuwi sa alabok.
Kung
gayon … Ano ba ang higit na
mahalaga at sadyang may katuturan? Papaano ba masusukat at mabibigyan ng kahalagahan
ang iyong mga araw na narito ka sa mundo?
Lahat ay lumilisan, lumilipas, at naglalaho ... Maraming bagay na hindi nabibigyan ng tamang atensiyon at priyoridad. Lagi tayong abala sa mga maliliit na bagay na nagnanakaw ng ating mahahalagang oras, na kung susuriin nating maigi ay pawang pag-aaksaya ng panahon. Hanggang sa mapansin natin sa harap ng salamin ang taong dati-rati'y bata, masigla at puno ng buhay. Subalit ngayon ay malamlam ang mga mata at marami ng mga gatla sa mukha. Ang buhok na dati'y malago at maitim ngayon ay madalang at puti na. Nawala na rin ang kisig at ganda, napalitan ng seryoso at pagkabalisa. Tila mayroong ginugunita, mga bagay na kung maibabalik lamang ay pipiliting itama. Kung maibabalik lamang ang naaksayang panahon mula sa mga walang saysay na pagkagumon, pagkalimot, at kawalan ng atensiyon sa mga may katuturang bagay. Disin sana'y ... walang mga hinanakit at karaingang maghahari sa kalooban. Disin sana ...
Lahat ay lumilisan, lumilipas, at naglalaho ... Maraming bagay na hindi nabibigyan ng tamang atensiyon at priyoridad. Lagi tayong abala sa mga maliliit na bagay na nagnanakaw ng ating mahahalagang oras, na kung susuriin nating maigi ay pawang pag-aaksaya ng panahon. Hanggang sa mapansin natin sa harap ng salamin ang taong dati-rati'y bata, masigla at puno ng buhay. Subalit ngayon ay malamlam ang mga mata at marami ng mga gatla sa mukha. Ang buhok na dati'y malago at maitim ngayon ay madalang at puti na. Nawala na rin ang kisig at ganda, napalitan ng seryoso at pagkabalisa. Tila mayroong ginugunita, mga bagay na kung maibabalik lamang ay pipiliting itama. Kung maibabalik lamang ang naaksayang panahon mula sa mga walang saysay na pagkagumon, pagkalimot, at kawalan ng atensiyon sa mga may katuturang bagay. Disin sana'y ... walang mga hinanakit at karaingang maghahari sa kalooban. Disin sana ...
Ngunit huwag mabagabag ... Hindi pa huli ang lahat. Habang may hininga ay may pag-asa. Walang bata o matanda sa nais magbago ... at ang sansinukob ay naghihintay lamang upang ang lahat na nakatakdang mangyari sa iyong buhay ay kusang maganap na ngayon sa iyong mga pagkilos.
At ito'y ang harapin at pagtuunan ng ibayong atensiyon ...
Ang sadyang may katuturan ay …
Hindi ang iyong mga nabili, bagkus kung ano
ang iyong mga naitayo.
Hindi ang iyong mga inani, bagkus ang iyong mga
ipinunla.
Hindi ang iyong mga naipon, bagkus ang iyong
mga naitulong.
Ang sadyang may katuturan ay …
Hindi ang iyong mga natanggap, bagkus ang
iyong mga naibigay.
Hindi ang iyong mga tagumpay, bagkus ang
iyong mga kahalagahan.
Hindi ang iyong mga natutuhan, bagkus ang
iyong mga naituro.
Ang sadyang may katuturan ay …
Hindi ang iyong mga sertipiko at diploma sa
dingding, bagkus sa mga alaala at pagdakila sa iyo.
Hindi ang iyong mga kahusayan, bagkus ang
iyong karakter at pagiging uliran.
Hindi ang iyong mga pangako, bagkus ang
iyong mga nagampanan.
Ang sadyang may katuturan ay …
Hindi ang iyong mga hangarin, bagkus ang
iyong mga pagpupunyagi at katatagan.
Hindi ang iyong mga pagkatakot, bagkus ang
iyong tahasang mga pagharap sa katotohanan.
Hindi ang iyong mga katagang binitiwan,
bagkus ang kalakip nitong mga paninindigan.
Ang sadyang may katuturan ay …
Hindi ang iyong mga panahon sa opisina at
gawain, bagkus ang iyong inilaang panahon sa iyong pamilya at mga mahal sa
buhay.
Hindi ang iyong pagkahumaling sa mga
kasangkapan, bagkus ang pagbibigay ng atensiyon sa iyong mga anak.
Hindi ang mga palakpak at pagkagumon sa
barkada, bagkus ang pagtupad sa responsibilidad at pagkandili sa iyong mga
mahal sa buhay.
Ang sadyang may katuturan ay …
Hindi ang mainggit, manibugho, at mawalan ng
pag-asa, bagkus ang gumawa, magpasalamat, at umasam na may magandang kapalaran
na darating.
Hindi
ang magsawalang kibo at umasa na lamang, bagkus ang magsikhay at pagyamanin ang
sarili.
Hindi ang basta na lamang mangarap, bagkus
ang magplano at simulang isagawa ito nang puspusan.
Ang sadyang may katuturan ay …
Hindi ang mag-aksaya sa mga panooring walang
saysay, bagkus pagtuunan ang pagpapaunlad ng sarili.
Hindi ang makialam at punahin ang iba,
bagkus ang supilin at kontrolin ang negatibong kaisipan sa sarili.
Hindi ang makigaya at manatiling segunda
mano, bagkus maging orihinal at malikhain sa bawa’t gawain.
Ang sadyang may katuturan ay …
Hindi kung gaano karami ang mga taong
kakilala mo, bagkus kung gaano karami ang manghihinayang at malulungkot sa
iyong pagkawala.
Hindi ang iyong mga alaala na maiiwan,
bagkus ang mga mahalagang alaala ng mga nagmamahal sa iyo.
Hindi kung gaano katagal kang maaala-ala,
bagkus kung sino ang nakakaala-ala at kung para saan ito.
Ang mabuhay nang may
katuturan ang
higit na dakila at ito’y hindi sadyang nangyayari. Hindi ito hinihintay at
iniaasa kahit kaninuman. Ito ay nasa ating pagpili. May kapangyarihan tayong
piliin kung ano ang higit na may katuturan sa bawa’t sandali na ginugugol natin
sa maghapon. Bawa’t araw, mayroon tayong oportunidad na baguhin ang ating
buhay. Baguhin ang hindi natin na mga naiibigan at walang mga katuturan. Palitan ang
mga bagay na nagpapahirap at nagpapalungkot sa atin. Huwag nating palipasin
ang mga sandali na hindi natin tinatanong kung sino tayo? … ano ang ating
nais? … at kung saan tayo pupunta?
Sana ... nalaman ko ito noon pa. Sana naiwasan kong makagawa ng mga kapahamakan at kapinsalaan sa iba. Sana ... Huwag na natin pang hintayin ang umabot na bigkasin pa ang SANA ...
Pakatandaan
lamang: Ang mga bagay na ito ang nagwawasak sa sangkatauhan: mga pulitika na
walang prinsipyo; kaunlaran na walang pagmamalasakit; kayamanan na galing sa
katiwalian, kaalaman na hindi ginamit; relihiyon na komersiyal; at
pananampalatayang walang mga pagkilos. Ang mga ito ay nangyayari dahil marami
ang tulog, natutulog, at nagtutulog-tulugan.
Simpleng mga Instruksiyon
ng Buhay
Mabuhay
na matutong magmahal.
Matutong
magmahal para mabuhay.
Magmahal nang mabuhay para matuto.
…upang
ikaw ay mabuhay sa buhay na iyong pinapangarap.
Sa araw na ito, may
katuturan ka bang nagawa? Mapupuri ba at sadyang nakakatulong sa iyong sarili
at maging sa iba?
Aba’y kung hindi naman
… puwede ba gumising ka naman …
… bago
mahuli pa ang lahat.
Jesse Guevara
Lungsod
ng Balanga, Bataan