Pabatid Tanaw

Tuesday, December 14, 2010

15 Parunggit: Mga Bahagi ng Katawan

  

Tungkol ito sa ibat-ibang bahagi ng ating katawan na nagpapahiwatig ng taglay nitong katangian. Mabilis na nabibigyan nito ng tamang kahulugan ang usapan.


 1. Laman-tiyan -karagdagang pagkain, mapagtitiyagaan

 2. Kunot-noo -nag-aalaala, nagtataka, nagagalit

 3. Makating-dila -madaldal, tsismoso, nagdadagdag ng balita

 4. Kalog ang tuhod -mahina, paloy, walang kaya, duwag

 5. Gawang-paa -padaskol ang pagkakayari, patama-tama, basta makaraos ang gawa

 6. Busilak ang puso -mabuting pag-uugali, mahabagin, matulungin

 7. Dugtong ang kilay -mainisin, bugnutin, madaling magalit

 8. Matang duling -isa lamang ang tinitignan, may pinipili, makapili
 
 9. Halang ang bituka -patapon, mahilig sa gulo, pumapatay

10. Tengang kawali -nagbingi-bingihan, ayaw makinig

11. Basag-ulo -madugong away, paspasan, pananakit

12. Pilak ang buhok -matanda na, ubanin

13. Manhid ang kamay -tamad, ayaw tumulong, pasanin

14. Umid ang dila -tamimi, ayaw magsasalita, mistulang pipi

15. Mahabang paa -mahilig sa bulakbol, laging lakad ng lakad, lagi sa galaan

 Ang inyong kabayang Tilaok,


Lungsod ng Balanga, Bataan

No comments:

Post a Comment